Looking around at my room yesterday, it dawned on me just how compulsive I am when it comes to buying books. When I went to the MOA branch of Booksale, I went gaga over a nearly pristine copy of The Lost World, now reserved for Barney. I also found--can you believe my luck?-- a copy of Cold Sassy Tree and Leaving Cold Sassy, 40 pesos and 35 pesos respectively. When you consider that the copy of Leaving Cold Sassy for sale at the RP Booksale branch is 140 pesos, that's cheap. Two for half the price of one. Tapos nakahanap pa ako ng libro ni David Davidar, The House of Blue Mangoes. (As usual, meron na namang comment dun si Abraham Verghese. Bakit ba ang dami na niyang mga comment sa libro? Sikat na kasi dahil sa My Own Country. Grabe ang ganda ng libro na yun. Ayoko yung kasunod, yung The Tennis Partner. Dull. Kaya ko kinuha si David Davidar kasi nakakatuwa yung pangalan niya, parang si William Carlos Williams. At saka nakita ko yung pangalan niya dun sa article tungkol kay Shobha De. At saka 45 pesos lang yung libro, parang brand new. Dalawa pa yung dust jacket.)
Anyway, nung nalagay ko na yung mga libro sa kwarto ko, naisip ko lang na nabuhay na ako sa librong galing sa Booksale. Kasi naman yung mga nakikita mo sa National Bookstore nakakasuya, yung mga sinulat ni Paolo Coelho pinuno na yung mga shelf, o kaya yung mga nobelang ginawang pelikula, o kaya yung mga libro ni Nicholas Sparks na sobrang senti napaulit-ulit lang ang tema, o kaya yung mga libro ni Stephenie Meyer,o kaya yung mga chick lit na ewan mo ba kung paano napalathala. Ang binibili ko lang sa National yung mga classic. Sa Booksale naman, ang kailangan mo pasensya, tiyaga at saka tibay ng tuhod at mata. May sikreto dun kung paano mo makukuha yung mga libro na limang piso lang ang presyo. Syempre kailangan rin alam mo na kung ano yung klase ng libro na hinahanap mo. Ako ang gusto ko yung mga vintage, yung mga mahirap hanapin sa ibang bookstore. Maigi kasi yun kasi pag nakabili ka nun at mura pa, unique yung library mo. Sa totoo lang, mura na yung mahal na libro sa Booksale (ie. 100 pesos pataas) kasi 1/3 lang ng presyo sa National. Pero yung mga kaibigan ko, maaarte rin sila sa libro kaya wala silang librong biling-Booksale. Eh sa akin naman, kung luma na talaga yung libro wala ka nang magagawa doon. Mas importante pa rin yung nilalaman nun kaysa sa pabalat kaya ingatan mo na lang. Kailangan lang talaga matalas ang mata mo. Tulad nung Biyernes, nakakita ako ng apat na kopya ng The Divine Secrets of the Ya-ya Sisterhood. Iba-iba yung presyo. May isa 40 pesos, yung isa 140 pesos. Kamusta naman.
Sa Booksale mo na rin mahahasa ang tinatawag na "gut feeling". Tulad nga nung Cold Sassy Tree at Leaving Cold Sassy. May libro kasi na laging lilitaw at lilitaw sa Booksale, kagaya ng Yaya Sisterhood. Pero yung mga academic books, at yung mga anthology, kailangan bilhin na kaagad, kasi mahirap mahanap ulit. Ganun lang talaga ang pagbili ng libro. Sa lahat ng bookstore, yung Booksale ang paborito ko. Sa dami ng libro kong nabili doon, dapat may Loyalty Award na ako. Pero hindi ko kailangan ng discount card, kasi meron pa ring libro na limang piso ang presyo. Nabubuhayan ako ng loob tuwing nakakakita ng librong ganun kamura. Ganun lang dapat ang libro-- abot kamay ng tao, hindi sobrang mahal na manghihinayang ka at hindi puro papel na mahal ang binayaran mo at alaws na pagdating mo sa kwento. Recycling na rin yun, para sa kalikasan. Walang binatbat yung Books for Less. May nabili akong libro sa Booksale na 85 pesos, doon ang halaga 225 pesos. Mas maganda pa yung kalagayan nung libro na mula sa Booksale. Kaya saludo ako sa Booksale. Kahit na mas mura pa yung libro sa 100 pesos nung binili mo, pwede yun maging 100,000 pesos kapag namatay ka na. Ang mga libro ko ang pamana ko pag namatay ako. O kaya kung wala akong mapagbibigyan, ilalagay ko sa archive. Mabuhay ka magpakailanman, Booksale, at magpatuloy ka sa iyong pagbenta ng murang libro.
Sunday, July 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment